NAPATAY ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang drug dealers makaraang makipagbarilan sa buy-bust operation sa Parañaque City nitong Martes ng Madaling araw.
Ayon sa ulat, unang nagpaputok ang mga suspek sa mga pulis kaya bumawi ng putok ang mga awtoridad.
Isa lang ang natukoy sa dalawang suspek ngunit sa alyas lamang na “Tongtong”.
Nangyari ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa C-5 Road sa bahagi ng Barangay San Dionisio.
Makaraan ang engkwentro, nakuha mula sa mga suspek ang dalawang .45 kalibreng baril, isang cellular phone, walong sachet ng umano’y shabu at P1,000 cash. (MARINHEL T. BADILLA)
