‘DIRTY COAL’ PINATUTULDUKAN NG SIMBAHAN

PINANGUNAHAN ng mga lider ng Simbahan at kabataan sa bayan ng Atimonan, Quezon, nitong nakaraang Mahal na Araw, ang panawagang pagbabalik-loob sa ekolohiya at muling iginiit na tuldukan na ang patuloy na pagtatayo at paggamit ng nakasisirang ‘coal’ o karbon bilang enerhiya sa bansa.

Ang panawagan ay isinagawa sa online devotion session nitong Holy Week na tinawag na ‘Daan ng Krus tungo sa Pagbabagong Ekolohikal (Way of the Cross towards Ecological Conversion) ng Our Lady of Angels Parish sa Atimonan, na inspirasyon sa 2019 Pastoral Letter on Ecology ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Pope Francis’s encyclical Laudato Si’.

“Mapagsumikapan nawa naming isulong ang dagliang paglipat sa ligtas, malinis, at murang enerhiya. Tiyakin ang makatarungan at patas na paglipat sa renewable energy sources at ibasura ang mga huwad na solusyon; makiisa sa kampanya sa madaliang pagtatanggal ng mga coal-fired power plants at iba pang nakadepende sa paggamit ng nakaruruming fossil-fuel,” anang mga lider ng Simbahan kasabay ng paghikayat na basahin ang statement ng Parish of Atimonan”.

Sa pahayag, muling iginiit ng grupo na tuldukan na ang pagtatayo at pagpopondo sa proyektong ‘coal plants’ dahil sa panganib nitong malilikha sa climate change, at masamang impak sa kapaligiran, lalo na sa kalusugan ng sambayanan.

“Quezon and many other provinces in the country have been suffering from coal’s poison for far too long. We will not tire in rejecting this dirty energy source and calling out to its financial supporters to fully shift instead to investing in clean technologies until ecological conversion truly happens in our country,” ani Monsignor Noel Villareal ng Our Lady of Angels Parish. (TJ DELOS REYES)

206

Related posts

Leave a Comment