COVID CASES SA MPD, MAHIGIT 800 NA

UMABOT na sa mahigit 800 pulis na miyembro ng Manila Police District ang kumpirmadong naging positibo sa COVID-19.

Ayon kay Manila Police District (MPD) director, P/Brigadier Gen. Leo “Paco” Francisco, sa nasabing bilang ay 712 na ang nakarekober sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, nasa 100 pang pulis Maynila ang may aktibong kaso at ginagamot sa mga quarantine facility.

Huling iniulat na namatay sa sakit si P/SSgt. Cenen Evangelista na nakatalaga sa MPD-Traffic Enforcement Unit.

Ayon sa ulat, bago nabakunahan ay nagpositibo sa COVID-19 si Evangelista at siya ay asymptomatic. (RENE CRISOSTOMO)

126

Related posts

Leave a Comment