BINATIKOS ng pinuno ng United Nations (UN) ang patuloy na hindi pagkakaroon ng bakuna ng substansiyal na bilang ng mga bansa laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) makalipas ang 100 araw ngayong 2021.
Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, dapat nagsimula na ang lahat ng bansa sa mundo sa pagtuturok ng mga bakuna sa kani-kanilang mamamayan sa ngayon.
Ngunit, mayroon pang higit isang dosenang bansa na hindi pa nagsisimula ang pagbabakuna.
Ang pagtuturok ng bakuna sa health care workers (HCWs), mga opisyal ng pamahalaan at mamamayan ay pinaniniwalaan ng mga dalubahasa laban sa COVID-19 na lunas sa sakit na ito na kumalat na sa maraming bahagi ng mundo.
Ibig sabihin, kailangang maturukan ng bakuna ang pinakamalaking bilang ng mamamayan ng bawat bansa upang makamit ang “herd immunity” na siyang simula sa pagtigil ng paglaganap ng COVID-19 sa bawat tao.
Umaasa si Ghebreyesus na magkakaroon ng bakuna ang iba pang bansa upang lahat ng 220 teritoryo sa mundo ay lumarga ang programang pagbabakuna. (NELSON S. BADILLA)
176 