Naturukan ng AstraZeneca panic mode na ANUNSYO NI DOMINGO ‘IRESPONSABLE’

NAGPA-PANIC na umano ang mahigit kalahating milyong natukuran ng AstraZeneca dahil sa anunsyo ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo na ititigil ang pagbabakuna nito sa 60-anyos pababa.

Ito ang nabatid kay Iloilo Rep. Janette Garin kaya kinastigo nito si Domingo sa paraan ng pag-aanunsyo habang nahaharap ang bansa sa problema sa supply ng nasabing bakuna.

“Meron tayong mahigit sobra sa kalahating milyon na binakunahan ng first dose na binigyan mo ng kaba, takot, pangamba. Ang dami-dami nang tumatawag at nagpapanic,” ani Garin.

Hindi nagustuhan ng mambabatas ang paraan ni Domingo sa pag-aanunsyo na ititigil muna ang pagbabakuna sa mga Pilipinong 60-anyos pababa dahil sa umano’y kaso ng blood clotting matapos maturukan ng AstraZeneca vaccines sa ibang bansa.

“Mali-mali nga. The possible rate clotting happens after the first dose,” dagdag pa ni Garin.

Duda ng mambabatas kaya ginawa ni Domingo ang anunsyo dahil walang kasiguraduhan ang dagdag na supply ng AstraZeneca.

Noong Marso ay umaabot sa 526,000 doses ang ibinigay ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas at itinurok lahat ito sa mga tao dahil umaasa sila na magkakaroon ng panibagong delivery at upang mas marami ang mapoproteksyunan kontra sa COVID-19.

Dapat sana aniya ay sinabi muna ni Domingo na walang dapat ipag-alala ang mga naturukan ng AstraZeneca kung hindi kaagad makatanggap ng second dose dahil wala itong epekto sa kanilang kalusugan.

Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa mga nabigyan ng first dose, sinabi ni Garin na “….Wala naman though sayang ang protection.

Better tapusin na lang. Yung clotting is a rare side effect. Possible yan na because vector mRNA. Ganyan din nangyari sa HIV vaccine. Kaya nga since day 1, Maganda pa rin inactivated type of vaccine for infectious dieseases”.

Ang kinatatakot ng mambabatas ay ang epekto sa pag-iisip ng mga nabakunahan dahil hindi ipinaliwanag ni Domingo na wala itong epekto sa kanila kundi masasayang lang ang unang proteksyon sana sa COVID-19. (BERNARD TAGUINOD)

256

Related posts

Leave a Comment