MERALCO, PINAILAWAN ANG BAGONG COVID-19 TREATMENT CENTER SA PASAY.

Sa pagpapatuloy na suporta sa gobyerno at pribadong sektor kontra COVID-19, pinailawan ng Meralco kamakailan ang bagong DPWH-initiated COVID-19 treatment center na matatagpuan sa J.W. Diokno Boulevard, Zone 10, Barangay 76, Pasay City.

Bahagi ng proyektong ito ay ang pagtayo ng anim (6) na 15-metro kataas na mga konkretong poste, anim (6) na spans ng covered overhead conductors, tatlong (3) 100-kVA distribution transformers, service drop at ang pagbuo ng bagong pasilidad na paglalagyan ng metro. Ang bagong treatment center na ito ay isa sa mga mahahalagang COVID 19 testing, quarantine at vaccination facilities sa loob ng franchise area ng Meralco na binibigyan ng mataas na prayoridad na magkaroon ng sapat, at ligtas na serbisyo ng kuryente.

Sa kasalukuyan, higit sa 95 na ang bilang ng mga pasilidad para sa COVID-19 na pinailawan ng Meralco. Kabilang dito ay mga ahensya ng gobyerno, mga pampubliko at mga pribadong ospital, laboratoryong ginagamit sa testing, pasilidad para sa quarantine, treatment, at vaccination centers, at ang mga pasilidad na gagamitin bilang imbakan ng bakuna laban sa COVID-19.

238

Related posts

Leave a Comment