LAGUNA – Patay ang isang retiradong pulis makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.
Batay sa report ng Calamba City Police, sakay sa motorsiklo ang biktimang si Melvin Polintan Llanes at nakahinto sa stoplight sa Barangay Halang nang ito ay pagbabarilin bandang alas-8:30 ng gabi.
Bigla na lamang umano itong nilapitan ng suspek at pinagbabaril at saka mabilis na tumakas.
Isinugod naman ang biktima sa Pamana Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Ang 67-anyos biktima na dating intel officer ng Calamba Police, ay inambus din noong Setyembre 2019 habang sakay ng kanyang kotse sa Barangay Parian ngunit nakaligtas. (NILOU DEL CARMEN)
