P210-M shabu nasabat 2 DRUG DEALERS NAPATAY SA LAS PIÑAS

TINATAYANG mahigit sa P210 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-narcotics operation na ikinamatay ng dalawang kasapi ng Amarga drug syndicate noong Martes ng gabi sa Sherack St., Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City.

Sa ulat na ibinahagi ni PNP chief, General Debold Sinas, napatay sa ikinasang buy-bust operation sina Richard Jen Jieko (Coco/Kokoy) Salameda Amarga at Andrew Guinto Garcia.

Una rito, nakipagkasundo ang mga pulis sa pamamagitan ng isang poseur buyer para makabili ng isang kilo ng shabu sa halagang P1 milyon ngunit sa gitna ng buy-bust operation ay biglang nagkaputukan.

Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang suspek.

Sa clearing operation sa encounter site, tumambad sa mga operatiba ng PNP-Police Drug Enforcement Group, sa pamumuno ni PDEG Director Police Brigadier General Remus B. Medina, ang 30 kilo pa ng shabu na tinatayang P210 milyon ang halaga, sa pulang Toyota Innova na sasakyan ng mga suspek. (JESSE KABEL/DAVE MEDINA)

 

211

Related posts

Leave a Comment