NADAKIP habang kumukuha ng police clearance ang isa sa tatlong wanted persons sa bisa ng warrant of arrest sa anti-criminality operations noong Abril 13, 2021 sa Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang wanted person na si Rodrigo Banuelos, 34-anyos, residente ng No. 12, Panganiban St., Brgy. Sta. Lucia, Quezon City, naaresto sa bisa ng warrant of arrest habang kumukuha ng police clearance dakong alas-4:40 ng hapon sa nasabing petsa sa PS-5 Police Clearance Section, Pearl St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City.
Ang pangalan ni Banuelos ang may “hit” sa clearance system at nakitang na may standing warrant of arrest para sa kasong qualified theft,
Samantala, naaresto rin ng Talipapa Police Station (PS 3) sa bisa ng warrant of arrest si Mary Grace Mascunana, 45-anyos, residente ng No. 10-S, Park Lane St., Brgy. Sangandaan, Quezon City, dakong alas-2:40 ng hapon, ng parehong petsa sa Gloria 2 Taas, Brgy. Tandang Sora, Quezon City, sa kasong swindling (Estafa).
Huli rin sa mga tauhan sa Galas Police Station (PS 11) sa bisa ng warrant of arrest si Michael Reyes, 33-anyos, residente ng #8, Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, dakong alas-11:00 ng gabi ng parehong petsa, ng PS 11, sa Brgy. San Isidro, Quezon City, sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)
197 