APAT ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Abril 13 at umakyat na sa 361 ang pandemic fatalities.
Ayon sa City Health Department, 104 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,877 ang positive cases sa lungsod, 834 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 61 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling.
Dalawa naman ang patay sa pandemya sa Caloocan City noong Abril 13 at 1,077 ang active cases. Sumampa na sa 21,399 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 19,696 na ang gumaling at 626 na ang namatay.
Wala namang naiulat na binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Valenzuela City sa nasabing petsa at 998 ang active cases makaraang 143 ang magpositibo at 132 ang gumaling.
Pumanhik na sa 14,776 ang nasapol ng pandemya sa lungsod at sa bilang na ito ay 13,416 na ang gumaling at 362 na ang namatay.
Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na update sa kanilang COVID-19 cases ang Navotas City. (ALAIN AJERO)
154 