PASLIT, 2 PA PATAY SA AMBUSH SA COTABATO

COTABATO CITY – Hinihinalang personal na alitan ang motibo sa pananambang na ikinamatay ng tatlo katao, kabilang ang isang paslit sa lungsod na ito, noong Martes ng umaga.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni P/Col. Rommel Javier, director ng Cotabato City Police Office, para sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa pananamabang.

Kinilala ni Col. Javier, ang mga napatay base sa kanilang identification cards na sina Ali Abdurahim Tamal, ng Shariff Aguak, Maguindanao, Norma Dalimbang Sapi, ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, at isang batang lalaki na pansamantalang hindi muna kinilala.

Pawang idineklarang dead on the spot ang mga biktima.

Lumilitaw sa pagsisiyasat, lulan ng isang abohin na Toyota Vios sedan na may Plakang NEG-7303 ang mga biktima at binabaybay ang Jeremiah Street sakop ng Barangay Rosary Heights 11 nang sila ay tambangan ng mga suspek na sakay ng isang brown na Sports Utility vehicle na hinihinalang isang Mitsubishi o Suzuki Sporstivo.

Ayon sa opisyal, inaalam pa nila ang lahat ng mga posibleng motibo sa insidente. (JESSE KABEL)

145

Related posts

Leave a Comment