40 VINTAGE BOMBS NAREKOBER SA CAUAYAN

ISABELA – Aabot SA 40 pirasong iba’t ibang vintage bombs ang narekober ng Police Regional Office 2 (PRO2) mula sa isang junkshop sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City sa lalawigang ito, noong Abril 13.

Sa natanggap na report ng SAKSINGAYON (Peryodiko Filipino Inc.) mula sa PRO2 Regional Public Information Office, sa pangunguna ni Police Lieutenant Oliver Salamero, team leader ng Provincial Explosives and Ordinance Division and Canine Unit (PECUI Isabela/CECU Cauayan City, agad silang nagresponde sa tawag ng isang junkshop owner na si Mr. Harrison Panggao, hinggil sa ibinentang unexploded explosive ordnance (UXO) sa kanilang shop.

Sinabi nito, binili niya ang nasabing mga kalakal na inakala niyang scraps ng bakal lamang.

At nang makumpirma ng EOD Unit ang nasabing report ay nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakahukay sa 40 piraso ng iba’t ibang UXO na kasama ang limang piraso ng Proj. 155mm, HE; labing dalawang piraso ng Proj. 105mm, HE; pitong pirasong Proj. 81mm, HE; apat na pirasong Proj. 60mm, HE; isang pirasong Proj. 75mm, HE; at labing isang pirasong Proj. 57mm.

Ang nasabing mga bomba ay nasa pangangalaga na ng PECU Isabela at pakay para sa agarang disposal sa blasting area sa Capaz, Tarlac.

Kaugnay nito, nawala ang takot ng may-ari ng junkshop matapos na maalis sa kanyang pangangalaga ang mga nabanggit na bomba na posibleng sumabog at magdulot ng pinsala sa kanyang pamilya. (JOEL O. AMONGO)

397

Related posts

Leave a Comment