AWOL NA PARAK ITINUMBA SA KALYE

ISANG AWOL (absent without official leave) na parak ang pinagbabaril ng ilang kalalakihan na lulan ng dalawang sasakyan noong Biyernes ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Ronel Acuna, 39, ng #104 Capaz St., Brgy. 63, dating nakatalaga sa Caloocan Police ngunit inilipat sa Police Regional Office (PRO) 8 kung saan siya nag-AWOL.

Habang ang kanyang kasamang si Regine Lintag, 27, ng #102 Baltazar St., 5th Avenue, Brgy. 49, Caloocan City ay hindi nasugatan sa insidente.

Nangyari ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa kanto ng Bernadette at Nadurata streets, sa pagitan ng 8th at 9th Avenues, West Grace Park, Brgy. 60.

Ayon sa ulat, pauwi si Acuna galing sa inuman sakay ng motorsiklong minamaneho ni Lintag nang isang puting Toyota Fortuner at silver Toyota Innova ang humarang sa kanilang daanan sa kanto ng Nadurata at Bernadette streets.

Bumaba ang ilang lalaking armado ng sari-saring baril at pinaulanan ng bala si Acuna saka mabilis na tumakas.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa pagpatay. (ALAIN AJERO)

471

Related posts

Leave a Comment