SINISIKAP ng goyerno na maabot ang mahigit 70,000 RT-PCR test kada araw.
Ayon kay testing czar Sec. Vince Dizon, na sa ngayon pumapalo pa lamang sa 66 to 67 thousand ang PCR testing na naisasagawa ng bansa.
Gaya aniya ng kanyang mga naunang sinabi, na dahil sa kahirapan ng pagsasagawa ng PCR Test, lalo na sa mga panahong dumadami ang kaso at nagkakasakit ang mga medical-technician at mga laboratory personnel, kaya’t nagbigay ng rekomendasyon ang mga health expert.
Sinabi ni Dizon na iminungkahi ng mga ito na mag-deploy o gumamit na rin ng antigen test sa NCR Plus.
Dahil dito umaasa si Dizon na maaabot na nila ang target na 70K daily COVID-19 testing gamit ang RT-PCR at antigen test. (CHRISTIAN DALE)
237
