DAGDAG ICU BEDS, HOSPITALS TATAPUSIN NGAYONG MAYO

INAASAHANG matatapos na ngayong Mayo ang lahat ng ipinatatayong modular hospitals and ICU beds sa bansa.

Sinabi ni testing czar Sec. Vince Dizon, ang target ni treatment czar At Health Undersecretary Bong Vega at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay makapagdagdag ng mga nasa 3,000 beds para sa mga ospital na maaaring makapagbigay lunas sa mga moderate at severe COVID patients.

Katuwang umano ng gobyerno sa pagpapatayo ng modular hospitals and icu beds ang private sectors at mga organisasyon, tulad ng Philippine Red Cross.

Makikita aniya sa hakbanging ito ng gobyerno na kapag nagsasama-sama at nagkaisa ang lahat, tiyak maraming magagawa.

Sinabi pa ni Dizon, napakalaking bagay ng mga nililikhang ospital para masolusyunan at mapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

244

Related posts

Leave a Comment