MOST WANTED SA SORSOGON HULI SA QC

ARESTADO ng District Special Operations Unit (DSOU) ang no. 3 most wanted person ng Gubat Municipal Police Station sa Sorsogon, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City nitong Huwebes.

Ayon sa report ni P/Maj. Sandie Caparroso, hepe ng District Special Operations Unit (DSOU), kinilala ang suspek na si Victor Espeña y Pelonia, 42-anyos, residente sa Brgy. Gubat, Sorsogon.

Ang suspek na wanted sa kasong rape ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marion Jacqueline P. Poblete, presiding judge ng Branch 3, Regional Trial Court, Bataan, Balanga City. Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa suspek.

Si Espeña ay naaresto dakong alas-7:30 ng umaga noong Mayo 6 sa Violago Homes Subdivision, Brgy. Batasan Hills, Quezon City. (JOEL O. AMONGO)

216

Related posts

Leave a Comment