INIULAT na walo ang namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas noong Mayo 5, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.
Napag-alaman, lima ang patay sa Caloocan City at pumalo na sa 27,406 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 25,202 na ang gumaling at 776 na ang namatay.
Dalawa naman ang binawian ng buhay sa Navotas at 396 ang active cases makaraang 31 ang gumaling at 26 ang nagpositibo. Sumampa na sa 10,567 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, at sa naturang bilang ay 9,836 na ang gumaling at 335 na ang namatay.
Samantala, isang COVID patient ang sumakabilang buhay sa Malabon City at 409 na ang pandemic fatalities ng lungsod.
Habang 38 ang nadagdag na confirmed cases at 12,454 na ang positive cases, 419 dito ang active cases. Umabot sa 26 ang mga bagong gumaling at 11,626 na ang recovered patients.
Habang isinusulat ito, wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang lungsod ng Valenzuela. (ALAIN AJERO)
120 