Pitong araw matapos bumalik sa bansa COVID-19 TESTING SA INCOMING TRAVELERS APRUBADO SA IATF

INARUBAHAN nitong Huwebes ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukala ng Department of Health (DoH) na sumailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing sa ikapitong araw mula sa kanilang pagdating sa bansa ang mga incoming traveler.

“Naaprubahan ng IATF kahapon itong ating nirekomenda na magkaroon nitong seventh day testing, no testing upon arrival… and completed 10-day quarantine here at the national level,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ang mga byahero aniya ay i-endorso sa kani-kanilang local government matapos ang sampung araw para makumpleto ang mandatory two-week quarantine sa kanilang bayan.

Sinabi ni Vergeire na ang concerned agencies ay gagawa ng draft protocols para sa pagpapatupad ng bagong polisiya kasunod ng pag-apruba ng IATF.

Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kahit bakunado na ang isang Filipino ay kailangan pa rin na sumunod sa bagong protocol.

144

Related posts

Leave a Comment