56 bagong nadagdag 1,994 COVID DEATH TOLL SA CAMANAVA

UMABOT na sa 1,994 ang death toll sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area makaraang muling nadagdagan ng 56 bagong namatay nitong Mayo 6, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, 39 ang namatay sa Valenzuela City sa nabanggit na petsa at lumobo sa 1,106 ang active cases habang 16 lamang ang gumaling at 341 ang nagpositibo sa virus.

Kasalukuyang 18,101 ang confirmed cases sa lungsod, 16,538 ang recoveries at 457 na ang namatay.

Samantala, 12 naman ang bagong namatay sa Caloocan City at 1,425 ang active cases. Pumalo na sa 27,667 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 25,454 na ang gumaling at 788 ang namatay.

Lima namang COVID patients ang nalagutan ng hininga sa Malabon City at 414 na ang COVID casualties sa siyudad. Habang 52 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,506 na ang positive cases, 382 dito ang active cases.

Habang 84 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 11,710 na ang recovered patients ng lungsod.

Mapalad namang walang naiulat na namatay dahil sa pandemya sa Navotas City at 371 ang active cases matapos na 20 ang nagpositibo sa virus at 45 ang gumaling. Umakyat na sa 10,587 ang total positive cases, habang 9,881 ang total recoveries at 335 na ang namatay. (ALAIN AJERO)

126

Related posts

Leave a Comment