ISANG babaeng senior citizen ang namatay sa nangyaring sunog sa Caloocan City nitong Lunes ng umaga.
Sa paunang detalye, kinilala lamang ang biktima sa pangalang Aling Joanna, 65-anyos.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na kumitil sa buhay ng ginang sa Barangay 168, ng lungsod.
Patuloy na nag-iimbestiga ang Bureau of Fire Protection hinggil sa insidente. (ALAIN AJERO)
