RIZAL – Patay ang isang lalaki makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang kainuman na sinumpak ng biktima ngunit hindi tinamaan sa Block 6, Villa San Isidro sa bayan ng Rodriguez, sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.
Kinilala ng Rodriguez Municipal Police ang mga suspek na sina Federico Fuentes y Batados at Sarno Mendoza habang ang biktima ay si Marlon Agrava y Avelino.
Ayon sa salaysay ng mga saksi, alas-1:30 ng madaling araw, nag-inuman ang tatlo sa bahay ng isa mga suspek.
Ngunit nang malasing ay napikon ang biktima na umuwi sa kanilang bahay.
Ngunit bumalik ito na armado ng sumpak at pinaputukan ang mga suspek ngunit hindi tinamaan.
Nang makakuha ng tiyempo ang mga suspek ay pinagtulungan nilang saksakin ang biktima.
Dead on Arrival sa pagamutan ang biktima habang agad naaresto si Fuentes samantalang pinaghahanap ng pulisya ang nakatakas na si Mendoza. (CYRILL QUILO)
237 