Kamara full support sa kampanya ni Eleazar HOODLUMS SA PNP BILANG NA ANG ARAW

SUPORTADO ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kampanya ni Philippine National Police (PNP) Director General Guillermo Eleazar laban sa mga tiwaling pulis.

Mismong si Eleazar ang nagbansag ng “hoodlums in police uniforms” sa mga tiwaling miyembro ng PNP na siyang target umano nito sa kanyang anim na buwang pamumuno sa pambansang pulisya.

Ikinatuwa ito ni Deputy Speaker Bienvenido Abante kaya ibinato nito ang kanyang full support sa misyong ito ni Eleazar na dapat ay matagal na umanong ginawa ng PNP.

“We have seen in the past few months some disturbing incidents involving the PNP, and it is clear that the institution needs honest, decisive, no-nonsense leadership in order to prevent such tragedies,” ani Abante.

Sa kanyang privilege speech noong Marso, nadismaya si Abante sa PNP dahil sa mga kinasasangkutang kontrobersya ng ilang pulis tulad ng engkuwentro ng mga ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Pebrero sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Maging ang pagpatay ng pulis sa isang Army veteran sa Quezon Ciy noong Abril 2020, pagpatay sa mga Army intelligence officer sa Jolo noong Hunyo 2020 at pagpatay sa mag-ina sa Tarlac noong Nobyembre 2020.

“Uulitin ko po ang sinabi ko noon: each day that passes without action on the part of the PNP is another day faith and confidence in law enforcement is eroded. Sana po matutukan po ito ng bagong hepe ng PNP,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, hinikayat ng mambabatas si Eleazar na seryosohin ang paglilinis sa “hoodlums in police uniforms” upang mabago na ang imahe ng pambansang pulisya.

“The PNP is in need of reform and of some serious course corrections, and we pray that Gen. Eleazar will pursue these in order for the PNP to truly fulfill its mandate to serve and protect our citizens,” dagdag pa ng mambabatas.

 

Tiwala ng publiko

Kaugnay nito, naniniwala si Deputy Speaker Bernadette Herrera na malaki ang maitutulong ng body camera para maibalik ang tiwala ng publiko sa Pambansang Pulisya.

“Mandatory wearing of body cameras by police officers can somehow regain the trust of Filipinos in the police force,” ayon sa mambabatas kaya dapat aniyang iprayoridad ni Eleazar ang pag-rollout sa bodycam sa mga police operation.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil bagama’t ipatutupad umano ang body cam sa kanyang termino ay hindi sinabi ng bagong hepe ng pambansang pulisya kung kailan ito mangyayari.

Anim na buwan lamang manunungkulan si Eleazar bilang pinakamataas na lider ng PNP dahil sa Nobyembre 13, 2021 ay bababa na ito sa puwesto.

Base sa mga report, mayroong 3,000 body cam unit ang PNP na puwedeng gamitin na umano sa kanilang operasyon upang unti-unti nang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga ito. (BERNARD TAGUINOD)

192

Related posts

Leave a Comment