DAGDAG NA LIVELIHOOD SA SENIORS HIRIT NI POE

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang pamahalaan na dagdagan ang livelihood programs para sa senior citizen na maaari nilang gawin sa loob ng tahanan upang matulungan silang makaagapay sa panahon ng pandemya ng coronavirus.

Sa pahayag, naniniwala si Poe na malaki ang maitutulong ng senior citizens sa pagbangon ng ekonomiya dahil malalim ang kanilang karanasan at kaalaman na naipon sa mahabang panahon kaya walang duda sa kanilang kakayahan.

Ipinanawagan ito ni Poe matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang bilang ng taong naghahanap ng trabaho na may edad 65 pataas at 15-anyos hanggang 24-anyos.

“It’s a sad reality to see our elderlies looking for work despite the perils of COVID-19 when they should be staying at home and enjoying the fruits of their labor,” ayon kay Poe.

“Crucial intervention is needed to offer our senior citizens means of living that they can engage in without exposing themselves to the disease,” giit pa ng senador.

Sinabi ni Poe na maaaring magsimula ng programa ang Department of Education o ang Commission on Higher Education na payagan ang mga paaralan o training institutions na gamitin ang mga tech-savvy na kabataan upang turuan ang mga senior citizen na maintindihan at gumamit ng teknolohiya.

“It could be a knowledge exchange. Our senior citizens can teach the young people traditional subjects and in turn, youth volunteers can aid the seniors to use and maximize technology,” aniya.

“It’s a good synergy that will bridge generations and foster a tighter and kinder society,” dagdag ni Poe.

Aniya, makatutulong din ang Department of Labor and Employment (DOLE) na iugnay ang senior citizen sa mga home-based livelihood opportunities sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.

“Senior citizens are facing a triple challenge amid the pandemic. Along with health risks, many are battling survival due to loss of income, and further coping with the perils of isolation, giit ni Poe.

Habang inaasahan silang mananatili sa loob ng kanilang tahanan upang maiwasan ang banta ng pagkahawa ng COVID-19, maraming matatanda ang nakadepende sa paglabas upang magtrabaho o bumili ng kanilang pangangailangan.

Iginiit ni Poe na may mahigpit at agarang action plan para sa home-based livelihood programs para sa senior citizens na maaaring suportahan ng gobyerno at pribadong sektor at tulungan ang matatanda na ibsan ang pangungulila sa loob ng tahanan at nag-iisa.

“The growing bandwagon of remote work or work-from-home arrangements opens an opportunity for our elderlies to find means of living without exposing themselves to the virus,” ayon kay Poe.

“The government bears a heavy responsibility of taking care of our senior citizens. Working in their golden years should be just a matter of choice, not necessity,” dagdag ni Poe.

Hiniling din niya na pabakunahan agad ang mga senior citizen upang mabigyan sila ng pananggalang laban sa pinakamatinding epekto ng virus kapag lalabas sila ng kanilang tahanan. (ESTONG REYES)

253

Related posts

Leave a Comment