Solon sa PNP at PDEA DRUG WAR OPS PAG-USAPAN

NARARAPAT talagang mag-usap ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa kanilang anti-drug operations para maiwasan ang misencounter, ayon sa Anti-Crime and Terrorism – Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Rep. Eric Yap, “coordination lang ang susi para walang mapatay o masaktan sa government forces on this continuing war on drugs”.

Ang tinutukoy ni Cong. Yap ay ang engkuwentro na muntik na namang maganap sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA, sa isang mall sa Fairview, Quezon city kamakailan habang isinasagawa ang kani-kanilang drug bust operations.

“Definitely walang coordination dahil ang sabi baka mag-leak ang operations kapag sinabi sa kabaro sa kabilang ahensya,” ani Yap.

Dagdag pa ng mambabatas, “kung walang tiwala sa isa’t isa, then how will we win this war on drugs?” saad pa ng mambabatas.

Matatandaang minsan nang nagpang-abot ang PNP at PDEA may ilang buwan pa lamang ang nakararaan, sa isa ring mall sa QC kung saan may mga pulis at PDEA operatives ang namatay at nasaktan. (CESAR BARQUILLA)

506

Related posts

Leave a Comment