P763-M KUMPISKADONG KALAKAL WINASAK NG BOC

Ni JOEL O. AMONGO

Mahigit sa P763 milyong pisong halaga ng forfeited goods ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa unang tatlong (3) buwan ng 2021.

Base sa 1st quarter report ng BOC, ang winasak ay tinatayang P364 milyong piso halaga ng forfeited cigarettes at agricultural products.

Sinentensiyahan naman ng BOC ang ‘unsafe and hazardous food, raw products, and poultry needs’ na may halagang P111 milyong piso.

Ang smuggled na mga sasakyan naman na may hala­gang P51.276 milyong piso ang winasak ng BOC.

Kasama rin sa sinentensiyahan ay mga damit, iba’t ibang kalakal at general merchandise na may halagang P31 milyong piso.

Ang iba pang itinapon na kumpiskadong kalakal ay mga mechanical at electric goods na may halagang P1.577 milyong piso; chemicals na may halagang P5.535 milyon ; at scrap metals na may halagang P1 milyong piso.

Ang mga kalakal, bago pa isagawa ang pagtatapon, ay isinailalim muna sa legal na pamamaraan at kinum­piska pabor sa pamahalaan para sa paglabag na may kinalaman sa provisions ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ito rin ay pakay sa pagtatapon na naaayon sa Sections 1139 hanggang 1151 ng CMTA.

136

Related posts

Leave a Comment