5 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, MALABON

NABATID na apat ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at isa naman sa Malabon City noong Mayo 16, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Pumalo na sa 29,355 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 1,206 ang active cases, 27,310 ang gumaling at 839 na ang namatay.

Umakyat naman sa 428 ang COVID death toll sa Malabon makaraang isang pasyente ang bawian ng buhay. Habang 18 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,799 ang positive cases sa siyudad, 284 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 33 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 12,087 ang recovered patients ng Malabon.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Maysilo dahil nagpositibo ang swab test ng isa sa mga ito sa ikalawang pagkakataon. Mula 348 ay magiging 347 na lamang ang mga gumaling sa barangay.

Walang iniulat na namatay sa Navotas City at 165 ang active cases sa lungsod matapos na pito ang nagpositibo at anim ang gumaling. Sumampa na sa 10,702 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, kung saan 10,188 na ang gumaling at 349 na ang namatay.

Hindi pa nakapaglalabas ng COVID-19 cases update ang Valenzuela City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

138

Related posts

Leave a Comment