DRIVE-THRU VACCINATION FACILITY ITATAYO SA PITX

MAGTUTULUNG-TULONG ang lokal na pamahalaan ng Parañaque, Southern Police District Office at ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na matiyak ang ligtas na pagbiyahe at iwas-hawa ng COVID-19 sa mga pasahero sa susunod na mga araw.

Sa isinagawang weekly Southern Metro Manila Press Club Forum @ PITX, sinabi ni Jason Salvador, PITX Corporate Affairs and Government Relations head, umaabot sa 40,000 pasahero ang dumadagsa kada araw sa PITX kaya malaking bilang ang inaasahan nilang mababakunahan sa sandaling mailagay na ang drive-thru vaccination facility sa third-floor ng PITX sa pakikipagtulungan ng Parañaque LGU at SPDO.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON, sinabi pa ni Salvador na tulong nila ng PITX sa gobyerno at publiko ang vaccination lalo na’t kailangang mapabilis ang pagbabakuna upang makatulong na hindi mag-expire ang maraming vials ng vaccine dahil sa kakulangan ng vaccination facility.

Inaasahang tataas pa ang bilang na ito hanggang 80,000 commuters na maglalakbay paluwas ng Metro Manila at pabalik ng kani-kanilang mga lalawigan.

Samantala, sinabi Southern Police District Office Director P/BGen. Jimili Macaraeg, na kasamang dumalo sa Forum, magpapatupad ng 24/7 round the clock deployment ng mga pulis sa PITX.

Inatasan umano niya si Parañaque Sub-Station 2 commander, P/Maj. Jolly Soriano na mahigpit na tutukan ang pagpapasunod ng minimum health protocol na itinakda ng IATF kasabay ng patuloy na mahigpit na pagbabantay laban sa kriminalidad. (DAVE MEDINA)

164

Related posts

Leave a Comment