ISA PANG LIDER NG KAMARA COVID POSITIVE

ISA pang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 na patuloy na nananalasa at nagpabagsak ng ekomiya ng bansa.

Sa kanyang Facebook account, inanunsyo ni Deputy Speaker Henry Oaminal ng Ikalawang Distrito ng Misamis Occidental, positibo siya COVID-19 matapos sumailalim sa swab test.

“I regret to inform you that I have tested positive for COVID-19,” ani Oaminal matapos magpa-swab test dahil sa pananakit ng katawan at pagkakaroon ng lagnat.

“Following COVID-19 protocols, I will be on quarantine for 14 days; at the same time our residence is on lockdown and marked accordingly,” ayon sa mambabatas.

Sinabi nito na sumusunod siya sa health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

“However, we will never know when and where the virus will strike. This is why we must continue to adopt a unified stance and exert continued efforts to follow safety protocols, in order to curb the spread of COVID-19,” aniya pa.

Umapela ang mambabatas sa mga nakasalamuha niya mula noong Mayo 15, 2021 na magpa-check up at sumailalim sa voluntary quarantine.

Hindi na mabilang ang mga miyembro ng Kamara na nagkaroon ng COVID-19 mula noong Marso 2020 dahil walang regular report ng Kapulungan hinggil dito subalit dalawa na ang binawian ng buhay.

Noong Lunes ay bumalik na sa kanilang trabaho ang Kongreso matapos ang isa’t kalahating buwang break, subalit limitado pa rin ang bilang ng mga mambabatas na pinapapasok sa plenaryo ng Kamara.

Hanggang 25 congressmen lang ang pinapayagan sa loob ng plenaryo at ang natitirang 276 ay sumasali sa sesyon sa pamamagitan ng zoom conference. (BERNARD TAGUINOD)

282

Related posts

Leave a Comment