IPINANUKALA ni Presidential spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon ang mapasailalim sa vaccination program ng pamahalaan ang mga benepisyaryo ng 4Ps.
Ang panukalang ito ni Sec. Roque ay bunsod ng vaccine hesitancy at umano’y ulat na nasa 30 porsiyento lamang ang nais sumalang sa bakuna.
Aniya, kung maisama sa kondisyon ang pagsalang sa bakuna ng mga nakikinabang sa 4Ps ay tiyak na tataas ang bilang ng mga mababakunahan lalo na sa hanay ng mahihirap.
Aniya pa, hindi lamang sa 4Ps beneficiaries maaaring maikabit ang vaccination program ng gobyerno.
At kung sakali naman aniyang magkaroon ng bagong ayuda sa hinaharap sa pamamagitan ng Bayanihan 3 ay maaari rin maidugtong dito ang pagbabakuna.
Subalit, nilinaw ni Sec. Roque na mananatili itong boluntaryo at walang pilitan sa nasabing kondisyon para makatanggap ng ayuda. (CHRISTIAN DALE)
175 