Chinese vessels tambay pa rin sa Pag-Asa Islands IKA-84 DIPLOMATIC PROTEST INIHAIN NG DFA VS CHINA

NAGHAIN muli ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China dahil sa patuloy na pagdami ng barko ng huli sa West Philippine Sea (WPS).

Ang protestang ipinarating nitong Biyernes laban sa China ay ika-84 na sa ginawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang panibagong diplomatic protest na ipinag-utos ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ay nakaugnay sa pagkakaroon na naman ng mga barko ng China sa Pag-Asa Islands.

Idiniin ni Locsin na ang Pag-Asa Islands ay nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Bukod sa Pag-Asa, ilan pang barko ng China ang nanatili sa Julian Felipe Reef.

Noong Marso nagsimula ang China na magpatambay ng mga barko sa Julian Felipe Reef.

Bukod sa mga protesta ng DFA, aktibo na rin ngayon ang Philippine Navy (PN) sa pagbabantay sa WPS.

Nitong nakalipas na araw, nabalita sa media na itinayo ng PN ang watawat ng Pilipinas sa Kalayaan Islands.

Nag-iikot na rin sa Kalayaan Islands ang pinamalaking barko ng PN na BRP Gabriela Silang.

Ang pag-angkin ng Pilipinas sa buong WPS ay nakabatay sa 200 – nautical mile exclusive economic zone (EEZ) na itinakda sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nanalo ang Pilipinas noong 2016 sa kasong inihabla nito laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague.

Ngunit, hindi kailanman kinilala ng pamahalaan ng China ang hatol ng nasabing korte.

Kaya, patuloy na iginigiit ng China ang “opisyal” na paninidigan nitong pag-aari nito ang karagatang tinawag ng bansa na WPS. (NELSON S. BADILLA)

123

Related posts

Leave a Comment