PINANINIWALAANG namatay dahil sa heat stroke ang isang opisyal ng Manila Police District habang nasa duty sa headquarters ng United Nation Avenue, Ermita, Manila noong Sabado ng hapon.
Kinilala ang biktimang si P/Lieutenant Romano P. Topacio, 53-anyos, residente ng Bulacan at nakatalaga sa MPD-District Mobile Force Battalion (DMFB).
Base sa nakalap na impormasyon, bigla na lamang nanikip ang dibdib ni Topacio bandang ala-1:00 ng hapon noong Sabado (Mayo 29). Hindi na naisugod sa pagamutan ang biktima na tuluyang bumigay.
Hindi pa nagbibigay ng detalye ang pamilya hinggil sa pangyayari at kung may dati nang karamdaman si Topacio bago ito inatake sa puso.
Gayunman, hinihinalang na-heat stroke ang biktima dahil sa sobrang init ng panahon. (RENE CRISOSTOMO)
210
