SYUT sa selda ng Manila Police District ang 44-anyos na lalaking nagtago sa batas sa loob ng anim na taon makaraang patayin ang isang barangay kagawad, makaraang matunton sa lalawigan ng Quezon, iniulat ng pulisya.
Armado ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Tita Bughaw Alisuag, presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 1, dinakip ng mga awtoridad ang suspek na si Rowell Pedragorda y Lorenzo, residente ng Binondo, Manila, dahil sa kasong murder.
Base sa ulat na isinumite ni P/Major Rommel Anicete kay P/Lt. Col. Levy Hope Basilio ng District Intelligence Division ng MPD, inaresto ang suspek sa Barangay San Vicente, Gumaca. Quezon Province.
Si Pedragorda ay nagtago ng anim na taon matapos umano nitong mapatay ang biktimang si Reynold Roque, kagawad ng Brgy. 272, Zone 25 sa Binondo noong Hulyo 19, 2015. (RENE CRISOSTOMO)
189
