INTER-AGENCY CONFERENCE ON CUSTOMS CLEARANCE OF VACCINE IMPORTATIONS ISINAGAWA NG BOC, DOH

Tinanggap ng Bureau of Customs (BOC) ang isang paanyaya ng Department of Health (DOH) para talakayin ang ‘customs clearance for vaccine importations’ sa Port of NAIA. Ito’y bilang inisyatiba rin ng ahensiya para mapadali ang importas­yon ng mga bakuna.

Inaasahan kasi ang mas marami pang importasyon ng bakuna ang darating sa mga susunod na araw, kasama na ang pagrebisa ng ‘operational capacity requirements’ na kinakailangan sa distribusyon ng mga bakuna sa Visayas at Mindanao islands.

Ang meeting ay pinangunahan ng DOH kasama ang Bureau of Customs para tiya­kin ang best practices sa Port of NAIA na i- aadapt naman ng iba pang airports tulad sa nalalapit na mga importasyon sa Cebu at Davao.

Si BOC NAIA District Collector Carmelita M. Talusan ay nag-presenta ng ‘customs procedure in facilitating CO­VID-19 vaccines’ sa kabuuan bilang ‘pre-clearance process, documentary requirements, expeditious handling, and port preparations including interport and interagency coordination meetings, site inspections, COVID-19 vaccine arrival simu­lation, among others’.

Ang nasabing interagency conference ay dinaluhan nina Department of Health Assistant Secretary Roy B. Ferrer, Supply Chain Management Service Director Ariel I. Valencia, at iba pang DOH National, Regional, at Provincial Directors. Ang mga dumalo naman mula sa Bureau of Customs bukod kay Talusan aay sina District Collector Atty. Erastus Sandino Austria ng Port of Davao at Port of Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza, gayundin ang iba pang mgha opisyal mula sa kani-kanilang mga collection districts.

Simula noong nakaraang taon, ibat-ibang consultative meetings ang isinagawa ng Department of Finance (DOF), Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA), Gavi – The Vaccine Alliance, at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Noong Enero 2021, ang BOC ay tumulong sa national government sa pamamagitan ng itinayo nilang One-Stop-Shops sa lahat ng ports para mapadali ang importasyon ng mga covid-19 essentials mula sa vaccine queries, PPE’s at medical supplies.

Kasabay nito, aktibo ang assistance hotlines na inilunsad sa lahat ng airports para tumulonng sa lahat ng stakeholders 24/7.

Nagpasalamat naman si Director Valencia sa Bureau of Customs para sa komprehensibong presentasyon ng vaccine customs clearance at muling inulit ang suporta ng regional at provincial DOH offices sa Bureau of Customs sa pagpapadali ng importasyon at distribusyon ng paparating vaccines.

Dahil dito, ang BOC sa pamamagitan ng patnubay at direktiba ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ay tiniyak ang kahandaan ng Bureau of Customs at pangako na patuloy ang proseso sa pagpapadali ng pag-release ng COVID-19 vaccines bilang suporta sa national vaccination program ng gobyerno.

Kasama nito, ang National Task Force, at Department of Health, ang BOC ay patuloy sa pag-obserba sa mahigpit na pagpapatupad ng pamamaraan para matiyak ang seguridad at paghahatid ng mga bakuna. (Joel O. Amongo)

207

Related posts

Leave a Comment