Aabot ng tatlong milyong (P3-M) halaga ng misdeclared shipment ng pulang Sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) noong Mayo 26, 2021.
Sa pamamagitan ng impormasyon na nakalap, ang shipment ay nagmula sa China at naka-consigned sa isang Potanion Trading.
Ito ay naging pakay ng 100% physical examination na sinaksihan ng mga miyembro ng CIIS Enforcement and Security Service’s Customs Anti-illegal Drugs Taskforce (ESS-CAIDTF), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI).
Ang nasabing shipment ay orihinal na idineklara bilang yellow onions, subalit nadiskubreng naglalaman ng 60% red onions na may tinatayang halagang Php 3 Million.
Nauna rito, isang warrant of seizure and detention ang inisyu laban sa shipment dahil sa paglabag sa Section 1113 at Section 1401 ng RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)
Ang MICP sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay nananatili sa kanilang pangako na mapigilan ang unscrupulous activities na nasa likod ng ilegal na pag-importa ng ibat-ibang kalakal na papasok sa bansa.
Kadalasan nagsisimulang dumagsa ang mga imported na Sibuyas sa bansa tuwing ay tuwing papasok ang ber months, September, October at December, subalit ngayon ay napaaga. (Joel O. Amongo)
183
