NAKAPAGTALA ng pitong namatay sa COVID-19 ang tatlong lungsod sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hunyo 1.
Ayon sa ulat, apat ang namatay sa nasabing petsa sa Caloocan at umabot na sa 966 ang active cases. Pumalo na sa 32,459 ang total confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 30,544 na ang gumaling at 948 ang namatay.
Dalawa naman ang patay sa Malabon City at pumanhik na sa 440 ang COVID death toll sa lungsod. Bukod dito, 23 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,111 na ang positive cases sa siyudad, 140 dito ang active cases.
Umabot naman sa 14 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 12,531 na ang recovered patients sa Malabon.
Isa naman ang namatay na COVID patients sa Navotas at 98 ang active cases matapos na 20 ang gumaling at 11 ang bagong nagpositibo sa virus.
Umabot na sa 10,834 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa bilang na ito ay 10,377 na ang gumaling at 359 ang namatay.
Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Valenzuela City. (ALAIN AJERO)
132
