HIGH VALUE TARGET, 3 PA HULI SA SHABU SESSION

ARESTADO sa mga operatiba ng Talipapa Police Station (PS-3) ang no. 6 station-level drug personality kasama ang tatlong iba pang mga suspek, sa ikinasang anti-illegal drug operations ng QCPD sa kanilang nasasakupan.

Kinilala ni P/Lt. Col. Cristine Tabdi, PS-3 Station commander, ang mga suspek na sina Regan Alabastro, 36, no. 6 most wanted person station level; Jeanalyn Bartolay, 46; Sherla Baylon, 34-anyos, at Kurt Pabalate, 33-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng gabi noong Hunyo 5, 2021, nagsagawa ang mga operatiba ng PS-3 ng anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek habang nagsasagawa ng shabu session sa #034 1010 Taurus St., Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang walong sachets ng shabu na tinatayang P68,000 ang halaga, at drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

81

Related posts

Leave a Comment