27 TULAK NABITAG SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Nadakip ang 27 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-9:40 noong Sabado ng gabi hanggang ala-1:30 noong Linggo ng madaling araw sa limang lungsod at tatlong bayan sa nabanggit na lalawigan.

Nadakip ang tig-anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Imus City at Tanza habang lima sa Bacoor City, tatlo sa Gen. Trias City, tig-dalawa sa Naic at General Mariano Alvarez (GMA) at isa sa Trece Martires City. (SIGFRED ADSUARA)

234

Related posts

Leave a Comment