WANTED ‘RAPIST’ NADAKIP NG PNP-PRO5

“CREATING value for humanity should not be an afterthought but the core strategy,” pahayag ni PNP Regional Police Office 5 Director, P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo nang madakip ang isang most wanted personality dahil sa kasong rape sa Masbate.

 Ayon kay BGen. Estomo, nahuli ng kanyang mga tauhan sa inilunsad na law enforcement operation ang suspek na si Remar Argawanon Casinillo ng Purok 7, Brgy. Guiom, Cawayan, Masbate.

Sa pahayag ng PNP-PRO5 regional director, si Casinillo ay pakay ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Igmedio Emilio F. Camposano, presiding judge ng RTC Branch 49, 5th Judicial Region, Cataingan, Masbate. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing suspek.

Makaraan ang intelligence and surveillance operation ay sinalakay ng Masbate PNP, katuwang ang mga operatiba ng Cawayan MPS, 2nd Provincial Mobile Force Company, 96 MICO, at 502nd MARPSTA, sa pamumuno ni P/Lt. Ma. Dolores P. Abenia, ang pinagtataguan ng suspek.

Si Casinillo ay nagtago matapos siyang sampahan ng kasong panggagahasa ng isang alyas Connie na hinalay umano nito sa Brgy. Guion, Cawayan, Masbate. (JESSE KABEL)

161

Related posts

Leave a Comment