NO. 7 MOST WANTED SA RAPE, TIMBOG

ARESTADO sa mga awtoridad ang number 7 most wanted person sa kasong panggagahasa makaraang matunton ang kinaroroonan nito sa Tondo, Manila noong Linggo ng gabi.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nadakip na suspek na si Joshua Mallari, 18-anyos, binata, jobless, ng San Bartolome St., Brgy. 34, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pinagsanib na puwersa ng District Police Intelligence Operation Unit, District Special Operation Unit, at ng Women and Children Protection Unit, bandang alas-6:00 ng gabi nang mamataan si Mallari sa pinagtataguan nito sa panulukan ng Moriones at Masinop streets, sakop ng Brgy.72 sa Tondo.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Enero 12, 2021 ni Hon. Thelma Bunyi-Medina, presiding judge ng Regional Trial Court Br. 32 sa Manila.

Ayon sa ulat, nangyari ang krimeng panggagahasa sa Caloocan City ngunit natunton ng mga awtoridad ang suspek sa Tondo, Manila. (RENE CRISOSTOMO)

131

Related posts

Leave a Comment