KELOT PINUGUTAN, KATAWAN ISINAKO

WALANG ulo nang matagpuan sa loob ng sako ang isang lalaki sa bakanteng lote sa Caloocan City noong Lunes ng umaga.

Dakong alas-7:50 ng umaga nang matuklasan ang pugot na katawan sa loob ng sako sa Gumamela St. sa kanto ng Cadena De Amor St., Brgy. 175.

Napag-alaman na putol din ang kanang hintuturo ng biktimang nasa 30-anyos ang edad, 5’5″ ang taas at may tattoo na dragon sa likod.

Ipinalalagay ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar ang bangkay para iligaw ang imbestigasyon. (ALAIN AJERO)

149

Related posts

Leave a Comment