EUA ng Sinopharm kailangang hintayin ‘SECOND DOSE’ NI PDU30 NAKABITIN

HINIHINTAY pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makakuha ang Sinopharm’s COVID-19 vaccine ng emergency use authorization (EUA) bago pa magpaturok ng kanyang second dose.

Ito’y bilang paggalang na rin sa medical frontliners.

“Because some doctors reached out to him and said, perhaps you should wait for the EUA and out of respect to our medical frontliners, he complied,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Matatandaang binakunahan si Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine noong Mayo.

Noong panahon na iyon, ang Sinopharm vaccine ay hindi pa nakakakuha ng EUA bagama’t pinagkalooban naman ito ng compassionate use para sa mga miyembro ng Presidential Security Group.

“Wala pa akong alam na schedule sa second jab niya pero I’m sure inantay kasi ‘yung EUA na naririyan na,” ani Sec. Roque.

Matapos batikusin ang Pangulo dahil sa pagpapaturok ng Sinopharm vaccine, hiniling ni Pangulong Duterte sa China na i-“withdraw” ang 1,000 Sinopharm shots na dinonate nito sa bansa.

Ang Sinopharm vaccine ay naaprubahan lamang para sa emergency use sa Pilipinas, araw ng Lunes. (CHRISTIAN DALE)

99

Related posts

Leave a Comment