QUEZON – Dead on the spot ang isang binatang tindero ng pares-pares matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek habang lulan ng motorsiklo sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ng Tiaong Police ang biktimang si Marvin Medrano Escamillas, 26, taga Imus, Cavite at naninirahan sa Barangay Paiisa, Tiaong.
Batay sa report ng pulisya, sakay ang biktima sa motorsiklo at tinatahak ang barangay road sa Barangay San Juan nang harangin ng suspek at pagbabarilin.
Tinamaan ng dalawang bala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Pagkaraan ay tumakas ang suspek na naglakad lamang papalayo.
Natagpuan sa crime scene ang mga basyo ng 9mm na baril.
Hindi pa batid ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)
192 