QUEZON – Patay ang isang 18-anyos na binata matapos paluin sa ulo ng kawatan na nanloob sa kanilang bahay sa Tayabas City sa lalawigang ito, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ng Tayabas City Police ang biktimang si Pauldren Angeles Gaytano, residente ng Barangay Camaysa.
Batay sa report ng Tayabas City Police, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang makapasok ang suspek sa bahay ng mga biktima sa pamamagitan ng bukas na maliit na bintana ng comport room.
Pinalo ng kahoy ng suspek ang biktima na natutulog sa kanyang kuwarto.
Kasunod na tinungo ang kuwarto ng kapatid nito na si Paula, 26-anyos, tinutukan ng patalim at saka kinuha ang pera nito.
Nang malaman ng suspek na may iba pang nakatira sa bandang likod ng bahay, mabilis itong lumabas sa front door at tumakas.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek. (NILOU DEL CARMEN)
158 