COVID-19 FIELD HOSPITAL SA LUNETA KUMPLETO NA

TAPOS na ang konstruksyon ng COVID -19 Field Hospital ng Manila City government sa Luneta, Ermita, Manila.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, natapos ang proyekto sa loob lamang ng 52-araw, na mas mas maaga kumpara sa kanilang 60-day target deadline.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga manggagawa na nagtulung-tulong para matapos agad ang konstruksiyon ng 4,402-square-meter hospital.

“Sa mga namatayan ng kuko, napaso, natusok ng alambre, nasaludsod ng plywood, napukpok ng martilyo dahil kahit madilim nagtatrabaho pa rin, gusto kong ibahagi sa inyo na tayo ay nagtagumpay. Ang pangako natin 60 days, nagawa natin 52 days!” anang alkalde, sa kanyang mensahe para sa mga manggagawa.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang mga sakripisyo ng mga manggagawa para kaagad matapos ang pagamutan ay isang magandang regalo nila sa mamamayan ng lungsod, gayundin sa mga medical frontliner. (RENE CRISOSTOMO)

146

Related posts

Leave a Comment