Panukala ipinoporma sa Senado SIGNAGES KONTRA AKSIDENTE SA KALYE

INILATAG ni Senador Grace Poe ang panukalang batas na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magtayo ng road at iba pang public safety signages alinsunod sa pandaigdigang pamantayan upang maiwasan ang aksidente sa lansangan at iba pang panganib.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na layunin ng Senate Bill No. 2293 o ang Public Safety and Signages Accountability Act na atasan ang pamahalaan na magbigay sa mamamayan ng napapanahon at tamang impormasyon hinggil sa traffic instructions, road hazards at iba pang warning signages.

“Articles and images of faulty or questionable signages have been reported throughout the years and such still remain as evident threats to both motorists and pedestrians,” ayon kay Poe.

Isang buhay ang kinikitil ng aksidente sa lansangan kada araw sa National Capital Region. Nitong 2019 lamang, naitala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 121,771 road crashes, 372 ay nakamamatay.

“Despite the mobility restrictions in 2020, the MMDA still registered 65,032 road crashes that cost 337 lives,” ani Poe.

Ayon kay Poe na may ilang salik na nakadagdag sa aksidente kaya nararapat lamang na maglagay ng nakikitang road signs na may tamang distansya na malinaw upang protektahan at mailigtas ang maraming buhay.

Sa ilalim ng panukala ni Poe, inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pangunahan ang public safety sa pambansang lansangan habang MMDA naman ang tutugon sa national road sa Metro Manila at local government units sa local roads. (ESTONG REYES)

363

Related posts

Leave a Comment