Alyas ‘Reyna’ ang kumilos sa NCRPO SUGALAN NINA ‘TISAY’, ‘RENEL’ AT BOYONG TALAMAK SA CALOOCAN

(NELSON S. BADILLA)

TUMINDI ang ilegal na sugal sa Caloocan City dahil bukod sa jueteng ng gambling lord na si alyas “Renel” ay pasok at namamayagpag din ang mga sugalan nina alyas “Boyong” at alyas “Tisay”.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng SAKSI Ngayon, itong sina alyas Boyong at alyas Tisay ay “EZ2” at “lotteng” ang sugal.

Malaki ang kinakabig nila dahil umaabot sa halos P700,000 bawat araw ang kubransa.

Pumapalo sa P400,000 ang kubransa ni alyas Boyong, samantalang malapit sa P300,000 ang kay alyas Tisay.

Pasok din naman sa EZ2 at lotteng si alyas Renel.

Idiniin ng source na paniguradong malaki rin ang nakakabig ni alyas Renel sa EZ2 at lotteng kada araw dahil hindi siya makikipagsabayan kina alyas Boyong at alyas Tisay kung kakarampot lang ang kita sa dalawang sugal.

Bukod pa ang libu-libong nakakabig ni alyas Renel sa jueteng.

Tinumbok ng source na walang dudang “napakaligaya” ng sinomang opisyal sa Philippine National Police (PNP) sa Caloocan na tumatanggap ng lingguhang tara mula sa jueteng ni alyas Renel at EZ2 at lotteng nito.

Iba pa ang ipinadadalang ‘parating’ ni alyas Boyong at ang hatag ni alyas Tisay.

Hiwalay pa sa administrasyon ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Inulit ng source na huwag kalilimutan na si “Reyna” ang dahilan kung bakit nakapasok sina alyas Renel, alyas Boyong at alyas Tisay sa Caloocan.

Si Renel, halimbawa, ay halos isang linggo lang ang kanyang jueteng dahil hinarang umano ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Vicente Danao Jr.

Ngunit, yumabang si alyas Renel at naligayahan sina Boyong at Tisay nang makapasok sa Caloocan.

Ayon sa source, hindi masukat ang kaligayahan ng tatlo dahil sa nagawa ni Reyna.

Itong si Reyna, ayon sa source ay beteranang “gambling queen” ng Laguna.

Mayroon umano itong kamag-anak sa NCRPO na “kernel” ang ranggo, tumbok ng source.

Muling napasok ng nasabing alyas Reyna ang ilang bahagi ng National Capital Region (NCR) nang naipuwesto si Major General Danao bilang pinuno ng mga pulis sa Metro Manila mula sa Rehiyong Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) kung saan ‘reyna’ si alyas Reyna.

Pero, mas nasanay ang mga illegal gambling operators na tawagin siyang “Tita” sa Calabarzon.

224

Related posts

Leave a Comment