MAGKANO ANG TARA NI SIR?

MATAGAL nang kalakaran sa Bureau of Immigration (BI) na hindi nawawala ang tinatawag na “tara”, o lingguhan, o buwanang parating, ng mga korap na opisyal sa isang mataas na opisyal ng ahensiya.

Mula sa kanilang kinikita sa mga pinoprosesong dokumento nanggagaling ang ­ibinibigay na tara sa opisyal.

Isa rito ay ang tinaguriang “Macho Chiquito” ng BI na kumikita umano ng halos higit sa kalahating milyong piso kada araw.

Kaya, tila bulag, pipi at ­bingi si “Sir” tuwing may sumbong na katiwalian na nangyayari sa kanyang nasasakupan at sa huli ay ­maghuhugas – kamay na lamang ito na ­kunyaring walang alam sa kitaan at magiging “sacrificial lamb” ang sinomang tatamaan para kunyaring may ginagawang kampanya laban sa katiwalian.

Anu-ano bang mga tanggapan sa BI ang posibleng ginagawang gatasan ni Sir?

Sa tatlong dekada kong miyembro ng media sa ahensiya ay hindi na bago sa akin ang mga tanggapan dito na pinag-aagawan nilang masungkit na posisyon, sapagkat nandito ang “Yama-shita treasure”.

Kaya nga itong si Macho Chiquito ay pinangarap na makuha ang posisyong chief ng Port Operations Division (POD) ng ahensiya sa airport kung saan hindi naman siya nagtagumpay.

Ika nga, ang kasamaan ay kahit kailan hindi magtatagumpay.

Ang mga pangunahing tanggapan sa BI na pinag- aagawang makuha ng mga korap na opisyal ay ang Legal Division, Intelligence, POD, Immigration Regulation Division (IRD) at maging ang ­section office na Visa Extension.

Kabilang sa gatasan ng mga tiwaling opisyal ng BI sa Legal Division ay ang ­”lifting of blacklist” na tungkol ito sa pagpabor ng ahensiya sa sinumang dayuhang nais makapasok sa bansa at matanggal ang kanyang pangalan sa blacklist ng ahensiya.

Abangan!

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

200

Related posts

Leave a Comment