2 ILLEGAL LOGGERS TIKLO SA TROPA NI COL. CARDIÑO

“WHAT you do to your environment is what you do to humanity,” Ito ang pahayag ni Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos muling makadakip ang kanyang mga tauhan ng dalawang illegal loggers sa bayan ng San Marcelino sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Col. Cardiño, nahuli ang mga suspek sa anti-illegal logging operation sa Zambales.

Kinilala ang mga nadakip na sina Hermi Mendoza Rafanan, helper, ng Brgy. Isidro, San Marcelino, Zambales, at Bryle Manzano Abad, operator, naninirahan sa Purok 2, Brgy. Looc, Castillejos, Zambales.

Mahigit P30,000 halaga ng lumber ang nakumpiska mula sa mga suspek.

Ayon kay P/Col. Cardiño, nadakip ang mga suspek sa operasyon kasama ang DENR Community Environment and Natural Resources Office-Olongapo sa Barangay San Isidro sa bayan ng San Marcelino.

Ayon kina P/Maj. Janine R. Piga ng San Marcelino, Zambales PNP, at Manny Villa ng DENR CENRO Olongapo City, pinaniniwalaang galing sa gubat ng San Marcelino ang pinutol na mga kahoy at walang naipakitang permit ang mga suspek kaya inaresto ang mga ito.

Magugunitang dalawang hinihinalang illegal loggers ang nadakip ng mga pulis sa pangunguna ni P/Capt. Richard E. Asis, sa Brgy. Tubo-Tubo South sa bayan ng Sta. Cruz noong Biyernes.

Natuklasan ng mga awtoridad ang ilegal na pinutol na mga kahoy habang lulan ng isang jeepney.

Nahuli sa nasabing insidente ang mga suspek na sina Christian Nilo Mon ng Sta. Cruz, Zambales at Erwin Apino Casupanan, ng Sitio Mapalad, Brgy. Lucapon South, Sta. Cruz, Zambales.

Nakumpiska sa mga suspek ang 22 piraso ng lumber na mahigit P13,800 ang halaga. (JESSE KABEL)

267

Related posts

Leave a Comment