Live-in partner ng ginang tinutugis DALAGITA PATAY, INA KRITIKAL SA TAGA

CAPIZ – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 16-anyos na dalagita habang malubhang nasugatan ang kanyang ina makaraang pagtatagain ng live-in partner ng ginang sa bayan ng Sigma sa lalawigang ito noong Linggo ng gabi, ayon sa ulat ng Sigma Municipal Police Station.

Kinilala ang biktimang namatay na si Gee Dee Bless Avelino, 16, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang ina nitong si Adalia, 59, kapwa naninirahan sa Barangay Mianay ng nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Sigma MPS, nagkaroon ng pagtatalo si Adalia at ang kinakasama nito na umuwing lasing.

Sinasabing upang makaiwas sa gulo, umalis ng bahay ang mag-ina ngunit sinundan sila ng suspek na armado ng itak at pinagtataga ang mga ito.

Target ng manhunt operation ng mga awtoridad ang suspek na agad tumakas makaraan ang krimen. (JESSE KABEL)

130

Related posts

Leave a Comment