Sa pagsasara ng Malampaya BROWNOUTS TITINDI SA OKTUBRE

(BERNARD TAGUINOD)

LALONG lalala ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Oktubre dahil nakatakdang magsara ang Malampaya gas field na posibleng maging dahilan ng brownouts at pagtaas ng presyo ng kuryente.

Ito ang ibinabala ni House deputy minority leader Carlos Zarate lalo na hindi pa umano pinaghahandaan ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang nakatakdang pagsasara ng Malampaya kahit inabisuhan na ang dalawang nabanggit na ahensya noon pang nakaraang taon.

“Did the DOE and the Energy Regulatory Commission (ERC) not learn anything from that situation almost a decade ago?,” tanong ng mambabatas dahil wala pang inilalatag na solusyon ang mga ito para maibsan ang kakulangan ng supply ng kuryente.

Magugunita na noong 2013, lumobo ang presyo ng kuryente matapos mag-shutdown ang Malampaya gas field dahil naging dahilan ito ng kakulangan ng supply ng kuryente.

Mauulit aniya ito sa Oktubre kung hindi handa ang DOE at ERC.

Palalalain umano ng Malampaya shutdown ang supply ng kuryente dahil pinayagan ng DOE ang maintenance ng malalaking generation companies sa kasalukuyan na tanging ugat ng rotational brownout mula noong Mayo 31.

“Now, with the upcoming unmovable Malampaya shutdown because any deferment on required maintenance could weigh down on the field’s operation, more than 3,200 megawatts of power capacity will not be available for consumers,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, pinalalatag ng kongresista sa DOE ang kanilang plano para masiguro na may sapat na supply ng kuryente habang naka-shutdown ang Malampaya gas field sa Oktubre at hindi ito maging dahilan ng brownout at pagtaas ng presyo nito.

“We are asking the DOE and ERC to lay down their plans now before it is too late and consumers are again made to suffer which is further aggravated by the Covid pandemic and the upcoming elections,” ani Zarate.

176

Related posts

Leave a Comment